Pahirapan na naman sa pagbati ng “Happy Mother’s Day!”
Palagi namang ganun. Pinanghihinaan ako ng loob, pero kung tutuusin hindi naman dapat. Hindi lang talaga ako sanay sweet sweet kami sa isa’t-isa. Haaay! Nakakainis! Pass 12am na, dapat batiin ko na siya kasi Mother’s Day na. Pero urgh nahihiya ako. Nakakalungkot lang. Nakakalamang neto, bukas ko na babatiin. Haaay!
Ganun din kapag birthday at kung ano ano pang okasyon.
Sana mabago ko pa yung ugali ko na to. Bigyan ako ng lakas ng loob ni Lord. :3
Nakakaiyak.
Wala talaga akong nararamdaman sa mga oras na to eh. Walang kaemo-emosyon. As in wala talaga.
Bagong ligo. Hindi ko makita yung suklay. Kaya hindi ako nakapagsuklay. Natuyo ang buhok ko na parang nasuklay. Hindi buhol-buhol. Ang galing! Mukang hindi ko na kailangan ng suklay ha. (ASA!) :D
Nilanggam yung Cadbury chocolate na bigay ni Aaron na matagal nang nasa bag ko at kanina ko lang nakita. Nilagay ko sa freezer. “Manigas kayong mga langgam kayo! Ang lakas ng loob niyong sugudin ang chocolate na bigay ni Aaron ha! BWAHAHAH!” Wala akong balak kainin yung chocolate na yun. >:)

Handang handa na akong mahirapan!1!!!!1!1!!!111!! Hahahahahaha!1!!!1!!!!!!!
(Source: kissingmonster)
BUT YOU’RE TOO DAMN SOCIALLY AWKWARD.
Ganto pa mararamdaman ko sa 1st day of classes? UGH!
(Source: needlebug, via aysayako)
Pano ko ba ‘to sisimulan? Haay. Asahan mo na sobrang haba ng post na ‘to. Kaya wag mo ng ituloy ang pagbabasa.Mehehe!
Umaga. Tamad na tamad akong bumangon. Dapat pupunta ako ng BSU, para maginform sa diploma at pupunta sana kila Shngs. Pero wala, antok na antok talaga ako.
Bumangon ako quarter to nine na yata. Nagluto ng ham at itlog, para ipalaman sa pandesal. Bad news lang, paubos na ang mayo. T.T
Naligo. Dumating ang aking inay at si Matt (nagsa-summer si Matt eh, sa Faculty. HAHAH!). Napagalitan pa ng konti kasi tanghali na daw, pero kung alam ko lang ganun din ang ending namin kung sakaling mas maaga akong kumilos. XD
Nagaabang ng bus. Umulan ng sobrang lakas. Akala ko dadaan muna ng Meycauayan, kaya pangit na shirt at slippers na cheap lang suot ko. Kaya may baon akong shirt, doll shoes, eyeglasses, solution, hair iron, perfume at kung ano ano pa! Inis ko lang kasi….akala ko talaga. Hmp. Ang mas nakakainis pa, kaya naabutan kami ng malakas na ulan hindi ba naman kami nakita nung unang bus na nagdaan. Kaya napatagal pa kami lalo, eh hindi pa kami nagla-lunch. Ugh!
Sa loob ng bus, habang nasa biyahe. Dahil ayokong magmukang gusgusin na bata sa Maynila. Nagpalit ako ng shirt sa bus! BWAHAHA! Buti nalang babae yung nasa likod namin at walang masyadong pasahero ang bus. >:D Isa pang problema, nakaslippers pa rin ako at nakalimutan kong magdala nhg band aid, masakit kasi sa paa yung doll shoes na dala ko. :/
Lunch sa Tokyo Tokyo-Victory Central Mall. Lahat ng tindahan duon walang tindang band aid! Jusko band aid lang bibilin ko wala akong matagpuan. Nakakadismaya yung mall na yun. Kaya no choice kundi suotin and doll shoes at ipagdasal na sana hindi ako sakitan ng paa, kesa naman nakaslippers ako. Mukang mahirap! :D
Pagdating sa OLFU. Unang step pa lang, nasungitan na agad ako. Kainis pa! HAHAHA.
Pila para magbayad ng kung ano ano. Dun ako pinakamatagal ha. May interview pa, pero tinatanong lang naman nila yung mga isasagot ko sa fill up form. Kinabahan pa naman ako nung kinwento ni Mommy na iniinterview pa nga. Pero wala sisiw lang. HAHAH! Yabang hano. After nun, pila ulit para magbayad. Hiwa hiwalay kasi ang pagbabayad sa mga kung ano ano. Kaya si Mommy na ang pabalik balik sa bayaran, at gutom na ko! Tapos tinawag ako ni Mommy, inexplain na sakin yung schedule ko, 4 days lang, 7:30am-4:30pm. Jusko 7:30, napakaaga! Estudyante kasi makakapili kung morning o afternoon ang klase, 7:30am-4:30pm or 1:30pm-7:30pm
Nagulat pa ko, papatayin ako ng Chemistry sa 1st sem! Gen. Inorganic and Organic Chemistry. Dalawang araw na 4 hours ang klase ko sa subject na yan. OMAYGAAAAD! Kung alam ko lang. HAHAH! Nung pagkaalam ko gusto ko nang magshift kagad ng course. Jusko!
Pero kaya yan! (OMAYGAAAD T.T)
Pwede na rin magpatahi ng uniform dun, 700. Kaya nagpasukat na ko, 2 set kinuha namin. Sa labas nalang sguro magpapatahi ng karagdagan.
ID picture naman. Ang panget ko lang sa ID ko. Ang panget kasi nung camera nila. Tapos ang awkward ngumiti, ang daming tao nakatingin, madami kasi kasunod ko. Jusko! Lagi nalang ganun. Sino ba naman maganda sa ID picture niya. Ha!? Naka-tatlong shots pa sakin ha. Pero wala panget talaga. HAHA! Pero umaasa pa rin ako na maganda ang kalabasan. Sana! XD Prof na daw ang magpapamigay ng ID sa pasukan eh. Haaay!
Medical Exams naman. Magpapa-xray muna. Pinahubad ang bra. Eh dalawa kaming babae magkasunod. Iniwan ko ba naman yung bra ko sa banyo, eh pumasok siya kasi magtatanggal din siya. Nakakahiya lang. Pero maganda naman yung bra ko eh, floral! HAHAH! Di talaga ko makaget over dun. Ano kaya naisip niya nung nakita niya yung bra ko?! HAHAHAH!
Lab test naman. Ang kailangan ba naman eh dumi at ihi. Jusko! Buti nalang cut off na sila, kundi! :D Kaya babalik nalang kami sa May 5. May scholarship exam pa ko nun. Libre naman exams na yun eh, sayang naman diba baka swertihin. Malaking kabawasan yun. :DD
So wala na, yun na last step. Wala ba namang gwapo! Mabibilang sa daliri nakita kong gwapo! HAHAHAHA! Yung isa nga kaklase ko pa yata eh, kaso may kasama siyang babae. Di ko alam kung kapatid ba niya o kasamang nagenroll. Haay! XDD
Kinakabahan talaga ako! Wala akong kakilala. :3
May freebies na binibigay basta nakapagenroll na. Eto oh. :))
Wew!